DUOFOS Phosphate

DUOFOS is the only natural phosphate that reacts nearly as quick as chemical phosphate, minus most of the damaging side be available for plants within one month (citrate soluble P). Plants need continual phosphorus supply, for max growth, duofos provides that!

Category:

English

DUOFOS is the only natural phosphate that reacts nearly as quick as chemical phosphate, minus most of the damaging side be available for plants within one month (citrate soluble P). Plants need continual phosphorus supply, for max growth, duofos provides that!

DUOFOS originated from guano phosphate ore. It is the long-term development of bird’s dropping & is different from rock phosphate as it is extremely soluble! It is produced only in hot, sunny & rainy tropical regions where millions of sea birds condition are satisfied only in deep uninhabited mountains on cliffs along seacoast, such as that of Madura.

Tagalog

1. Ano ba ang Guano Phosphate?
– Ang Guano Phophate ay dumi ng kabag (bats) at mga ibong dagat (sea birds) na naipon sa matagal na panahon (libong taon na nakalipas). Nagtataglay din ito ng mga patay na “corals”, isda at mga halaman o damong dagat (seaweeds).

2. Ano ang taglay na yaman o nutrients ng DUOFOS 0-22-0 Guano Phosphate?
– Ayon sa mga siyentipiko at mga eksperto sa lupa at halaman, ang Guano Phosphate ay isa sa mga pinaka-epektibong abono sa buong mundo dahil sa kakaibang dami ng taglay nitong mga “nutrients” na kailangan ng mga pananim. Ayon sa paga-analisa sa mga laboratoryo, ang Duofos ay may taglay na Phosphorus (22% sa pormang Phosphate) at mayroon din itong mataas na dami ng Calcium (30%). Naglalaman din ang Duofos ng Silica (10%) at samu’t saring pang abono o nutrients (Iron, Magnesium, Potassium, Sulfur at Molybdenum) na wala sa karamihang abono na nabibili sa mga tindahan.

3. Ano ang kahalagahan ng abono o nutrients na taglay ng DUOFOS 0-22-0 Guano Phosphate sa halaman?
– Ang 22% Phosphorus ng Duofos ay magiging responsible sa pagpapalago at pagpapahaba ng ugat ng halaman na mahalaga sa pag-sipsip ng tubig at mga “nutrients” sa lupa. Ang 30% Calcium ay siyang responsable sa pagpapa-wala ng asim ng lupa at abono din sa halaman upang ito ay maging matibay sa atake ng mga insekto at sakit tulad ng amag (fungus). Ang 10% Silica ng Duofos ay katangi-tangi dahil walang ibang abono sa Pilipinas ang nagtataglay nito. Ang Silica ay higit na magpapa-tibay sa halaman laban sa lahat ng uri ng peste at magpapa-bawas ng iba’t ibang “stress” sa halaman katulad ng labis na init ng panahon o kakulangan sa tubig. Ang Iron at Magnesium ay magiging kasangkapan ng halaman sa ibayong “photosynthesis” at “chlorophyll formation” ng ating alagang halaman. Ang Molybdenum ay tutulong sa halaman sa mahusay na pag-gamit ng halaman sa Urea (Nitrogen). Ang Potassium naman ay mahalaga upang mapa-taas ang kalidad ng bunga ng ating pananim.

4. Maliban sa abono o “nutrients” na taglay ng DUOFOS 0-22-0 Guano Phosphate, ano pa ang benepisyo sa pag-gamit nito sa lupa at pananim?
– Sa patuloy na pag-gamit ng Duofos sa ating lupang sakahan, mapapanumbalik nito ang ganda at sigla ng ating lupang sinasaka. Paano? Sa sa pagka-wala ng asim ng lupa at pagba-balik ng yaman sa lupa, manunumbalik at dadami ang mga “Beneficial Soil Microbes”. Ang mga mikrobyong ito ang tutulong sa halaman upang makain ng lubos ang mga organiko at “synthetic”.

For best results we recommend 10 bags per hectare
Pananim – Dami kada Ektarya (20 Kilo Bags)

Panahon ng Pag-apply:
Palay – 10 – Basal / Paupo / Paluklok / Patungtong
Mais – 10 – Unang Abono
Gulay- 20 – 40 – Basal / Paupo / Paluklok / Patungtong
Iba pang Pananim – 10 – Unang Abono hanggang sa Huling Abono

“Ang kaibahan sa DUOFOS, automatic pagkasabog mo ng DUOFOS puede mo ng tamnan” – Rene P, Farmer

“Pagka-araro ng plot at napantay na ang plot, papa-luklukan po ng DUOFOS. Isasabog sa plot bago mag-lagay ng plastic mulch…sa isang ektarya, kailangan ang regular na ilagay ay fourteen (14) bags na DUOFOS. Pero mas maganda kung mas marami pa sa 14 bags…inihahalo ko din po sa DUOFOS ang apat (4) na bags ng Grow More Humic Acid Granules at anim (6) na kilo ng Biocozyme.” – Ramil V, Ampalaya Farmer

“Very Effective, at Matipid sa Gastos. Lumaki puno at Bunga ng Mais” – Ronald M, White and yellow corn Farmer, Pampanga

“Ginamitan ng Duofos ay Mabuhangin at tabing ilog gumanda Bulas ng sibuyas kumpara sa nagdaan tanim, kaya gagamitin duofos kada taniman ng onion” – Andy B, Red Onion Farmer, Nueva Ecija